Monday, May 29, 2006
hello.. ngayon nalang ulet ako nakapag blog.. nitatamad kasi ako magpost.. hehe..ayun.. eto yung mga nangyari sakin this past few days.. days nga ba? week na ata.. hehe..
May 25- enrollment nga naman..
May 26- nagpunta kami ng kapatid ko sa robisons galleria, nagkayayaan lang.. kahit walang pera.. nangutang kami.. hahaha! 1k andun na lahat.. nakakain na kami nakanood pa ng sine.. at syempre andun na ang pamasahe..
nanood kami ng da vinci code.. grabeh.. sobrang higpit nga pala talaga, ni trip lang namin ng kaptid ko/ twin ko , na magpaxerox ng aming birth certificate, at buti na nga lang at nagpaxerox kami, dahil hindi kasi kami pinayagan papasukin kung ordinary id lang ng college yung binigay namin.. ayun.. nakapasok rin.. ok naman yung movie.. hehe..
May 27- maghapon lang kaming nasa bahay, at nung hapon na nagpunta kami sa malolos, sa may tita ko, manonood kasi kami dun ng santa cruzan sa kanila, ayun, gabi na rin kami nakauwi..
may 28- maghapon na naman nakaharap sa pc, at nung bandang 6:30pm nagsimba na kami, at tapos nun nanood na ng santa cruzan dito sa amin, sows, nakakasawa na nga eh, sila na naman ang reyna elena, wala na bang iba? dba nga give chance to others? like me? haha, joke lang, sumakit paa ko kakatayo.. hihi..
May 29- sinamahan ko mga kaibigan/kabarkada ko mag enroll, hindi pa kasi sila tapos, naghintay lang naman ako ng napakatagal na oras, kala ko kasi 8am usapan. so ayun, hehe.. sabi ko nga sa kanila kung kelan maaga ako tska pa sila late, hehe,
nagkayayaan kami magpunta sa sm pampanga, eh wala naman akong pera, hindi tataas ng 150 pera ko kanina, buti nalang libre food namin, haha, kasi nanlibre kami ni april, haha, ayun, dun na rin kami bumili ng gift namin kay mhay, kasi mag dedebut na siya sa may 31, at hindi na nga lang surprise, nakita na nya eh.. ehhehe..
pasensya na kasi napaka long ng post ko.. hehe. salamat sa nag tyaga magbasa.. muaaaah! yngatz ka ha!hehe..
love lots, beng
|
Thursday, May 25, 2006
hay.. enrollment namin kanina... at nakakaasar talaga! kasi usapan namin ng mga kaibigan ko na sabay sabay kami mag eenroll so 8am usapan namin... pero na late nga ako.. 9am na ko nakarating.. amf! asar talaga! ayun.. so feeling ko talaga nung nalate kami nung kambal ko.. hindi na talaga kami magkakasama sa isang section nila mhay, gelene at april.. at tama nga ako.. si mhay at gelene nasa AHSE 2-B sila.. then si april naman nasa AHSE 2-A.. first section siya..
at ako naman nasa AHSE 2-D ... sobrang lungkot ko talaga nun.. para akong binagsakan ng langit at lupa! :(
nakarating kami ng twin ko ng 9am natapos kami ng 4:30pm! amf!
asar talaga! sobrang haba ng pila! haaaaay..
tapos nakiusap pa nga pala ako sa tita ko dun na kung pede magpalit ako ng section.. try daw nya.. haaaaay.. and sabi pa ng tita ko na by average daw yung sa section! amf! eh hindi naman kasi eh! parang first come first serve! sows! e d kung by average yun sana 2-b rin ako.. 2.0 naman final grade ko eh.. huhuhu..
nahihirapan na ko.. kasi feeling ko mga maaarte at mayabang mga magiging classmates ko this sem.. sana nga sa 2nd sem maging classmates ko ulet sila mhay... haaaay.. ayun.. gagamitin ko na naman tuloy ulet ka-friendliness ko.. LOL
love lots, beng
|
Monday, May 22, 2006
haaaaay.. lagi nalang ako umiiyak ngayon.. kasi nga kapag naaalala ko lang siya lagi ako naluluha.. siguro miss ko lang siya... pero kakayanin ko toh... siyempre umpisa palang naman eh...
haaay.. bata pa naman ako.. marami pang pagdadaanan.. siguro after 1 week magiging ok na ko.. we broke up na nga pala... kaya ayun.. laging sad and lagi rin cry.. ewan ko ba.. ganito lang dba sa umpisa?
ayun.. tomorrow na pala yung graduation namin.. naku may competition pa nga eh.. >_<
talo na ko dun.. pero enjoy naman siguro noh? hehe.. wala na ko masabi... muaaah!
love lots, beng
|
Monday, May 15, 2006
hello! pasensya na kayo ngayon lang ako nag update... busy rin kasi.. tapos na nga pala yung art workshop namin, di ko nakuha certificate ko kasi tinamad kami ng insan ko, pero sa saturday nalang namin kukunin.. hehe..
nakakaasar kanina kasi di natuloy yung swimming class namin, kung kelan ready na ko, kakabihis ko nga lang nung sinabi sa amin, tumawag kasi sa fone, sabi nga daw sira daw yung filter, kaya ayun.. siguro aayusin muna nila.. excited na nga kami nun mag swimming, kasi na miss ko talaga ang pag swi2m, kahit 2 days palang akong di nakakapagswimming.. hehe...
haaaaay.. sobrang sad din ako, and sobrang nalilito sa lovelife ko.. haaayz.. cool off kami eh.. >.<
nahihirapan na kasi ako, and unti unti na rin nawawala love ko sa kanya.. haaayz.. tiyak nababasa nya toh... siguro kaya lang ako nagkakaganito dahil nga malayo kami sa isa't isa.. and medyo nawawalan na rin kasi kami ng communication... nalilito pa rin ako kung anu gagawin ko.. alam ko sabi nman ng lahat, kung san ka maligaya yun ang gawin mo.. may nisend sakin best friend ko... naalala nya kasi yung nasa tagaytay kami.. sabi kasi nung retreat master namin .. "love is a choice, ikaw pumipili at kung anong klase ng tao gusto mong mahalin.. kasi minds manipulate heart" .. ayun.. wala na ko masabi... haaaay..
love lots, beng
|
Thursday, May 11, 2006
hello sa inyo.. hehe..ayan.. update na ulit ako.. due to request of
sis nyurnie ... hehehe!
kahapon nag pic ako.. naka swimsuit! ahaha! kapal noh? feeling sexy kasi! LOL.. pagpasensyahan nyo na.. LOL
masaya nga pala ako kagabi.. pano kasi nagpunta dito si russel.. yung friend ko.. dinalaw lang ako.. may motorbike na nga siya.. ayun.. nagstroll kami kagabi.. kasama ko twin ko.. kaming 3.. haha! dahil nga sa maliit ako.. ako ang nasa unahan.. tapos yung kapatid ko nasa likod... hehe.. masaya nga eh.. sana maulit ulet.. hehe.. bait nya talaga.. cute pa! haha! pero friendship lang talaga kami nun.. friends forever nga eh.. kasi nga grade 6 kami nagkakilala.. kasi katxt niya yung friend ko.. eh may crush si russel dun sa friend ko.. tapos nibigay sakin ng friend ko yung # ni russel.. tapos hanggang sa naging magkaibigan na kami.. then nagkita kami.. pero tiga dito lang din naman siya.. aaah basta... matagal na kami magkakilala! and masaya ako dahil up to now frienship pa rin kami! hehe!
love lots, beng
|
Tuesday, May 09, 2006
[edit] ngayon ko lang toh napost, kasi nagloloko ata kagabi ang blogger..
[/edit]May 9, 2006mga ginawa ko ngayon ay nagswimming lesson, nagpunta sa UERM para samahan ang insan ko...at nagpunta sa sm sta.mesa... kadadating ko lang galing sm sta.mesa... waaah! kapagod.. sakit sa paa.. pano kasi ang layo ng nilakad namin.. hayzz.. sakit tuloy sa paa..
nakabili na pala ako ng swimsuit.. wahaha! buti nalang at nakahanap ako.. eh kasi nga ang hirap maghanap ng swimsuit ngayon dahil patapos na ang summer.. nakakita ako dun sa karimadon.. type ko eh.. hehe.. kaya nagsukat muna ako.. then binili ko na..pa halter yung style nya.. eto yung pic ng binili ko kanina...
yan.. wala naman mahalagang nangyari.. ang init lang ngayon..!
love lots, beng
|
Sunday, May 07, 2006
eto nga pala.. nakita ko kasi ito sa site ni
Lei na curious ako if totoo nga..
Take the quiz:
What does your birth month reveal about you?
February
Abstract thoughts. Loves reality and abstract. Intelligent andclever. Changing personality. Attractive. Sexy. Temperamental. Quiet, shy and humble. Honest and loyal. Determined to reach goals. Loves freedom. Rebellious when restricted. Loves aggressiveness. Too sensitive and easily hurt. Gets angry really easily but does not show it. Dislike unnecessary things. Loves making friends but rarely shows it. Daring and stubborn. Ambitious. Realizing dreams and hopes. Sharp. Loves entertainment and leisure. Romantic on the inside not outside. Superstitious and ludicrous. Spendthrift. Tries to learn to show emotions.
Quizzes by myYearbook.com -- the World's Biggest Yearbook!medyo totoo.... pero honestly.. totoo nga.. hehe.. wala lang.. ni take ko lang.. wala naman kasing masama if try ko.. hehe..
medyo mahaba ata kwento ko sa inyo.. pero i'll make it short if magagawa ko.. sana.. hehe..
sensya na nga pala if ngayon lang ako nakapagblog.. kasi busy talaga ako pag weekends.. may art workshop kasi kami.. pero last workshop namin is next weekend.. sa sunday... hehe.. wee! pero bad news.. dahil this monday start na ng swimming lessons namin.. monday-friday.. pero 1hr lang naman.. pero syempre kapagod rin yun.. bumili na kami ng swim wear... waaah! asar! ang panget.. kasi wala kami pera nung bumili kami.. pero i'll try to convince my mom na ibili ako ng new.. kasi nga pare-pareho kami ng mga insan ko.. pero baka pahiramin ako ng insan ko ng swimwear..kasi dalawa yung swimwear nya..
kahapon nga pala nagpunta kami sa birthday ng friend ng twin ko.. it was ok.. because nakita ko na naman ang mga classmates ko nung h.s .. last time ko kasi sila nakita nung debut ko.. hehe.. pina tagay nga ako.. waahaha! mga lalaki kasi mga yun.. hehe..pero mababait mga yun.. kahit ganun yun.. hehe.. once lang naman ako tumagay.. kasi ayaw ko malasing noh.. and good girl toh! wahaha! 8pm na kasi kami nakapunta dun so kami ang last umuwi ng twin ko.. 11:00pm nasa bahay na kmi.. pasaway noh? .
kaninang umaga maaga kaming nagsimba dahil nga may workshop ako.. and may assignment ako dun... d ko pa nagagawa.. may 1hr na paggitan yun.. so sa 1hr na un.. dun ko ginawa.. wahaha! sows! mahilig talaga ako sa ganun eh.. ung cramming.. hehe.. pero maganda nagawa ko.. kahit cram pa un... pakita ko sa inyo kapag nakuha ko na.. kasi nipaiwan ko un sa insan ko..hehe..
kanina nga pala may bisita kami.. yung friend ng parents ko sa states.. ayos naman.. kasi nga yung mommy ko may nirereto sa ate ko.. amf! asar talaga ako.. pano kasi pati ba naman magiging bf ng ate ko sila mamimili.. d nman siguro noH? parents ko kasi namili ng course ng ate ko..pero graduate na ate ko ngayon..hehe.. nakita ko na rin nirereto ng mommy ko.. haha! ok naman siya.. chubby.. actually.. mas bagay pa ung guy na yun sa best friend ng ate ko.. haha! pero xempre hindi type ng ate ko.. may gusto kasi yung lokang yun sa anak nung may may ari ng van na nirerent namin..hahaha! yaw ko na toh pahabain.. cge.. sana may magbasa naman..
thanks sa inyo! muaaaah!tc!
love lots, beng
|
Friday, May 05, 2006
weee! nakagawa na ko ng pixel.. sanay na rin ako magpixel! weeee! saya ko talaga...
eto yung 1st pixel na nagawa ko..
eto naman po yung pangalawa kong nagawa..
ayan.. kagabi ko yan ginawa.. pero nauna kong natapos yung charmmy...nitapos ko nalang ngayon si marie... hehe.. saya ko talaga! salamat kay
Ate Kitty kasi nisupport nya ko.. hehe.. salamat rin kay
ate Irish dun sa tutorial nya about sa pagpipixel.. hihihi.. masaya lang ako.. kasi wala talaga akong tiwala sa sarili ko na makakagawa ako ng pixel.. pero.. eto ngayon.. may nagawa na rin ako.. hehe..
bukas na orientation namin sa swimming lesson namin.. pagkatapos ng art workshop punta agad kami sa orientation.. malayo rin kasi yun sa bahay namin eh.. hayzz.. asar naman.. sa monday na kasi swimming lesson namin.. ehhh.. nakakaasar! nagkaron ako ngayon! waaaah! wrong timing naman! hayzzz... di pa rin ako nakakagawa ng bagong layout.. tinatamad pa kasi ako.. >.< .. sana d na ko tamarin...
salamat nga pala sa mga nagcomment! hihi.. dumadami na circle of friends ko! hehe..
love lots, beng
|
Wednesday, May 03, 2006
ayun.. ok naman ok.. pero nakakaasar lang kasi yung game na nilalaro .. ung oz world.. basta.. di naman kasi yun masyadong sikat.. parang magcostumize ka lang ng avatar mo then fishing ka para magkaron ka ng mga golds and masend ka ng flowers para makalevelup ka.. ayun.. asar kasi.. dahil hindi ako makalogin dun.. tapos free na daw pero d ako makapasok.. hayzz. tapos d pa ko nakabili ng new items nila..sa wakas nga at nag update na rin sila! LOL..
kagabi nga pala medyo kinilig ako dahil nag testi sa akin sa friendster yung schoolmate ko nung h.s.. ahead ako sa kanya ng 1 year.. eto yung sinabi nya.. pero wala lang yun ha.. baka magselos na naman ang isa dito.. LOL .. ayun..
dis pretty lady....
ahm.. so nice+_+
cute......
ahm... ndi aq pinapancin ni2 hehehe..
pero lam q super bait poh 2..
dats y? crush koh 2 nung 3rd yir hehe..
ahmm...
hirs my #
txt me poh ah....
0927********
gud luck 2 ur career in lyf...
godbless u mwah.....
lakad mo nmn aq kay russete heheh..jowk..
mwah!!!
>>> ehehe.. nialis ko # lol... ayun.. tignan nyo naman oh.. may panira pa..
"lakad mo naman ako.. " .. wahaha! oki lang yun.. d ko naman kasi sya talaga naging crush.. kasi crush kasi siya ng bez ko dati nung 4th yr. kami.. hehe..
magsisimba kami ngayong hapon.. dun sa isang baranggay dito.. fiesta kasi.. hehe..
onga pala natanggap ko na grades ko!! weeeeeeeeeeeeee! ang saya ko! wala akong bagsak! 2.05 final grade ko! wahahaha! ang saya talaga! hehe..
love lots, beng
|
Monday, May 01, 2006
dito na ulit ako! mga 7:30pm kami nakauwi, ang aga nga eh.. nagbloghopping muna ako bago magpost, hehe.. ayun.. 5:30am siguro kami umalis dito sa bahay, nakarating kami ng antipolo bago mag 8am, so nagsimba syempre kami dun ng 8-9am. pagkatapos non bumili lang kami ng kasoy then balik na ulit sa sasakyan, ... nakita ko na naman yung school ng bf ko.. ung sbis.. hehe.. la lang.. natutuwa lang ako.. LOL
Hindi nga pala kami natuloy magswimming sa ecopark, kasi ba naman puno na daw, yung available lang daw yung fishing at boating, kaya umalis na rin kami and bago nga pala kami makapunta sa ecopark nagkanda ligaw ligaw kami, biruin nyo iba iba sinasabing place ng mga napapagtanungan namin if san yung ecopark.. LOL ..
Nagpunta nalang kami sa san jose del monte sa bulacan, sa grotto vista, 3rd time around ko dun.. LOL .. pero ok lang naman, masaya naman kasi dahil kasama ko family ko, ayun, may nakita kaming cute, wahahaha! ewan ko, pero d ko naman kasi maaninaw, nyahaha.. pano kasi wala akong eyeglass sa pool.. syempre naman noh.. haha.. pero crush ng ate ko yung wafu na yun.. kaya lang papansin ate ko.. LOL
hay naku, speaking of papansin, asar kanina sa pool, ung mga lalaki dun asar.. pano kasi nagtatayaan, basta yung game un, parang tipong hahabulin mo at tatayain mo sya, .. ayun, papansin talaga! naku, lagi ako nagpaparinig dun, pero no effect naman, tapos na pagpasayahan na namin ng mga insan ko na alis na kami sa pool, tapos nkaupo ako dun sa may side pero ung paa ko nasa pool, kunwaring aakmaan ko ung isa sa mga guys, nakita ata ako.. hahaha!
love lots, beng
|