Monday, May 15, 2006

hello! pasensya na kayo ngayon lang ako nag update... busy rin kasi.. tapos na nga pala yung art workshop namin, di ko nakuha certificate ko kasi tinamad kami ng insan ko, pero sa saturday nalang namin kukunin.. hehe..

nakakaasar kanina kasi di natuloy yung swimming class namin, kung kelan ready na ko, kakabihis ko nga lang nung sinabi sa amin, tumawag kasi sa fone, sabi nga daw sira daw yung filter, kaya ayun.. siguro aayusin muna nila.. excited na nga kami nun mag swimming, kasi na miss ko talaga ang pag swi2m, kahit 2 days palang akong di nakakapagswimming.. hehe...

haaaaay.. sobrang sad din ako, and sobrang nalilito sa lovelife ko.. haaayz.. cool off kami eh.. >.<
nahihirapan na kasi ako, and unti unti na rin nawawala love ko sa kanya.. haaayz.. tiyak nababasa nya toh... siguro kaya lang ako nagkakaganito dahil nga malayo kami sa isa't isa.. and medyo nawawalan na rin kasi kami ng communication... nalilito pa rin ako kung anu gagawin ko.. alam ko sabi nman ng lahat, kung san ka maligaya yun ang gawin mo.. may nisend sakin best friend ko... naalala nya kasi yung nasa tagaytay kami.. sabi kasi nung retreat master namin .. "love is a choice, ikaw pumipili at kung anong klase ng tao gusto mong mahalin.. kasi minds manipulate heart" .. ayun.. wala na ko masabi... haaaay..


love lots, beng

|
MABUHAY


Ang blog na ito ay ang aking unang pangalawang BLOG. Anu daw??! LOLS. Tagalog BLOG ko toh.


site details
Owner: BENG
Opened: April 2006
Site name: Tagalog blog ni BENG
Layout:version 0.1 Ramblings
Inspiration: Mga butihin kong kaibigan ♥


ABOUT ME

Ako si BENG. Mahilig mag internet, magblog, magkumpuni ng kung anek-anek.



Affiliates

Chimmie

STILL OPEN FOR LINK-EXCHANGE
TAGBOARD



Credits
Designer: kookies
Resources: 1 2 3
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
Site Stats

free web counter