Wednesday, June 14, 2006
-edit- hello, pahabol po, nanalo po ako sa site ni sis
Amanda, eto po ang cetificate nya.. hihi.. cute noh? hehe.. sige.. yngatz kau! muaaah!

-/edit-hello.. pasensya na at ngayon lang ulet ako nakapag update, pano kasi laging ala ako sa bahay.. hehe... nagpunta nga pala kami nung
june 12 sa Alabang, kasi nihatid namin yung lalo ng pinsan ko, grabeh ha, ang ganda ng bahay nung tita nila, may swimming pool pa, hehe.. sosyal noh? hehe, ako.. ASA nalang ako.. hehehe... and pagkatapos nun nagpunta kaming SM Mall of Asia, maganda siya at malaki, parang open siya, hirap explain eh, hehe, hindi ako nakabili ng shoes dun, kasi ang department store palang ata ang meron dun, nakabili lang ako ng payong at flip-flops , tama ba spelling? hehe.. nung june 12 pala tapos na yung examination ng ate joy ko, haaaay... sana makapasa sya sa nurse licensure exam, please pray for my ate joy ha? after 14days irerelease yung mga nakapasa sa board exam, haaaay...

yan po yung flipflops na nabili ko..
kahapon naman,
june 13, napunta kami ng mga kapatid ko sa SM north edsa, bibili kami ng shoes dun, pero hindi ako bumili, kasi nga mas ginusto kong magpalit na ng eyeglasses, kasi nga naupuan ko ang eyeglasses ko, oo na tanga na! whaahha! wala kasi ilaw nun sa kwarto, kaya yun, hehe.. yung kapatid ko bumili siya ng shoes, dami nga nya nabili pero ako wala, hehe.. yun lang ok na sa akin, hehe...

yan po, color violet siya eh.. di nga lang halata, asar tuloy! hihihi...
onga po pala, pasensya na at di ako nakakapagblog hopping sa mga site nyo, lalo pa ngayon, alam nyo ba, 250 kasi grado ng salamin ko, ngayon ay 300 na! waaaaah! at may astigmatism daw ako, ayun... kawawa naman ako.... kaya siguro, minsan nalang ako makakapag internet, sobra na kasi pangaabuso ko sa eyes ko, pasensya na talaga ha? try ko parin magbloghop, muaaaah! yngatz kayo ha, bukas na po pala ang pasukan namin, hihihi... excited na ewan ako... hihi...
*onga po pala, sa mga nagtanong dun sa comments nyo, about kung ano ang "lantod" , yep, landi nga po yun.. hehe.. salamat sa mga bumibisita pa rin sa site ko, kahit di ko kayo masyado nabibisita.. muaaaah! yngatz kayo!
love lots, beng
|